sarap manisi, wala namang masisi
ayoko na magalit— sayo. kasi hindi mo kasalanan. gusto ko lang sisihin, gusto ko lang magalit— ang/sa mundo, ang/sa buhay. naiipit na tayo. at ang hirap hirap hirap. parang na-trap sa devil snare. or sa garbage compactor ng death star.
mas madaling umalis. mas madaling umalis at sabihin “ayoko na!” sabay grand exit, malapelikula. ang hilig ko pa naman mag-walk-out. (ang tanong, susunod ka ba? manunuyo ka ba, tulad ng inaasahan— inaasam— ko?)
pero ito naisip ko ngayon lang. parang may metaphorical/imaginary bulb na biglang sumindi sa taas ng ulo ko:
kung umalis ako, at sabihing “ayoko,” naisip ko, mag-isa ka na lang maiipit. at mag-isa ka lang na mawawasak.
hindi pwede. wala ka namang super strength. mabuti pang dalawa na lang tayo maipit, masira, madurog…


